Aguilarpangasinan101's Blog

Nakabibighaning mga tanawin

Posted on: June 17, 2011

Simbahan ng Aguilar

Ang puno ng Kalachuchi sa Simbahan ng Aguilar

Hindi ito sa Europa!

Hindi lang sa ibang bansa tayo makakakita ng ganito kagandang tanawin, tila ba sa Espanya o kaya sa Roma kinuha ang mga letratong ito di ba? Ipinagmamalaki ko ang kagandahan ng Aguilar.  Naging  pangkaraniwang  tanawin na ang mga turistang humihinto at kumukuha ng letrato dito, di lang mga Pilipino ngunit pati mga banyaga ay nabibighani talaga.

Ang Tore ng Simbahan ng Aguilar

Kinuhanan ko ng letrato  ito habang ang tindi ng sikat ng araw sa alas tres ng hapon ay umabot na sa 36 degrees Celsius,  ni hindi napawi ng isang bente pesos na “choco shake” ang aking pagka-uhaw at pawis. Kaya naisipan kong lumabas muna para magpahangin at mabuti naman nadala ko itong apat na taong ko nang gamit na Canon A610.  Napakalamig pagmasdan ang tanawin, ngayon ko lang nagawa ito at mahusay naman!

Mga bulaklak sa hardin ng Simbahan ng Aguilar

Pahingaan ng mga Kalesang Mangangalakal noon.

Tandang tanda ko pa nung  bata pa  ako, malimit na tanawin dito noon (sa gilid ng simbahan)  ay ang mga grupo ng mga  kalesang naglalako ng mga “handicraft”,  dito sila nagpapahinga  bilang paghahanda sa malayo nilang paglalakbay patungong Maynila. Umaabot hanggang 3 – 6 na grupo ang natutulog at nagluluto ng kanilang pagkain habang ang kanilang kabayo ay nilalamu ang baon nilang damo na kung tawagin sa Panggalatok ay “Samon”. Minsan nga naibahagi din ang mga mangangalakal na ito sa isang programa sa TV, karamihan sa mga naglalakong ito pala ay taga San Carlos City (katabing bayan ng Aguilar).

Sa ngayon hindi ko na sila nakikita marahil din siguro, hindi na kalesa  kundi mga trak na ang kanilang gamit sa paglipat ng kanilang mga kalakal.

Mga puno ng Acacia sa Plasa

Ang Kombento, Simbahan ng Aguilar at ang muhon na Agila

Ang bantayog ni Rizal sa Plasa ng Aguilar

Ito ay nagpapakita ng malinis, tahimik at progresibong bayan. Ang mahabang estraktura ay ang bagong gusali ng “Aguilar Catholic School”.

Ito naman ang bagong pinturang “Barangay Hall ng Poblacion”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: