Aguilarpangasinan101's Blog

Masarap Kapag Umuulan!

Posted on: June 9, 2011

Ayon sa PAGASA may Low Pressure na namataan sa bandang IBA, Zambales, na nagdudulot ng pag-ulan dito, sa katunayan buong araw nang ulan dito sa Aguilar pero di naman kalakasan.

Sa ganitong panahon nababanaag ko ang pagiging simple at tahimik ng Aguilar, masarap tamasahing malinis ang aking bayan, nasa tamang lalagyan ang basurahan ni walang aso o pusa na kumakalkal dito. Mukhang seryoso si Mayor sa pagpapanatili ng kalinisan. Walang mga kalat na papel, parang nasa ibang bansa na napakalinis. Ang mga ganitong tanawin ay nagkapagpapagaan ng kalooban.

Ang mga malalaking  puno ng Acacia sa plasa ay namumulaklak na sa panahong ito, kulay de rosa, sa tingin ko ay napakaliit ng mga bulaklak dahil sa tayug ng mga puno. Pero kaygandang masdan ito na parang sarap na sarap sila sa patak ng ulan at tila sumasayaw at sumasabay sa banayad na hangin. Marahil marami nang nasaksihan ang mga matatandang punong ito sa paglipas ng mga panahon dito sa Aguilar, at kung makakausap ko lang sana sila ay siguradong kulang ang 25mb na espasyo ko sa blog na ito upang isulat ang kanilang estorya.

Gustong gusto ko ang mga ganitong panahon! Makulimlim at di maiinit, kaunti lang ang gumagala sa kalsada, parang nagpi-piesta ang mga puno at halaman, napakasarap kapag umuulan! Sana ganito palagi ang panahon. Pero sa totoo lang wala talagang permanenteng bagay o pangyayari dito sa mundo… bukas ibang panahon na naman at di na maibabalik pa at mararamdanan ang saya dulot ng panahon sa araw na ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: