Aguilarpangasinan101's Blog

Isdang Kinuryente ni Kuya Ped…

Posted on: May 29, 2010

Siya si kuya Ped, masayahing bangkero dito sa ilog (Agno River), pagitan ng Bocboc West at Bocboc East, Aguilar, Pangasinan.   Kuha ko ito noong bibili sana ako ng huli nilang isdang Karpa. Sa una pa lamang ng pagkikita namin napansin ko na siya ang  bida sa mga kwentuhan dito sa “bantayan” (gilid ng ilog)  at di nauubusan ng istorya at “palabra” , sa pakikitungo naman sa kanya  ng mga tao dito sa paligid malalaman mong siya ay mabait na tao.

Sa gitna ng kwentuhan, ang pagkakaroon ng tulay para makonekta ang dalawang barangay ang napag-usapan, na pumukaw sa masayang mukha ni kuya Ped, ito kasi ang pinaka-asam-asam ng mga residente. Lubhang napakabagal ng pamumuhay dito at ang  tulay sana na kokonekta sa siyudad ng San Carlos  at Aguilar ay marahil  magbibigay  ng mabilis na pag-unlad ng aming bayan.

Dali dali siyang sumakay sa kanyang bangka na walang kasig,  sa hapon na iyon  saglit niyang sinagwan papunta sa kabilang pampang, kukuha raw siya ng isda! Mula dito sa kabila, kitang kita ko habang ikinakabit niya ang isang  mahabang kawad sa taas ng poste ng kuryente, at bahagyang sinasawsaw sa tubig ang isang dulo nito,  lubhang delikado ang 220volts na kuryente kaya kinabahan din ako, hindi ko tuloy nakuhanan ng letrato, ito pala ginagamit niya  para mabilis na makahuli ng isda. Mabuti naman at hindi siya  nadidisgrasiya o mahuli ng mga kagawad ng CENPELCO! Sa dakong iyon ang mga tao ay matiyagang naghihintay.

Di hamak na mas brutal pala ang panghuli niya ng isda kaysa mga nangunguryente sa ilog gamit ang  baterya. Huh! Di na ako nakabili….

2 Responses to "Isdang Kinuryente ni Kuya Ped…"

taga iner kau kuya..kabat ko tan c kuya ped.. taga ditan ak ed bocboc east

anu po panglan nyo kasi taga basil ak met na ilog pero wadya ak natan ed caloocan kumuzta nalag poh sa lahat ng bangkiro dita kilala ako sa pangalang adeh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: